Alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at sa pag-apruba ni Hon. Mayor Wilson V. Maralit, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Balete ngayong Lunes, Agosto 17, 2026, dahil sa patuloy na epekto ng malakas na pag-ulan.
📚 Alinsunod sa DepEd Order No. 14, s. 2026 o “HINAY: Ease In – Learning Continues Through Flexible Pacing,” magpapatuloy ang mga gawaing pang-edukasyon sa pamamagitan ng Asynchronous Learning o Modular Distance Learning (MDL).
🌧️ Ang suspensyon ay ipinatutupad bilang pag-iingat bunsod ng inaasahang patuloy na masamang lagay ng panahon at malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
Patuloy na mino-monitor ng Pamahalaang Bayan ng Balete ang lagay ng panahon at hinihikayat ang lahat na manatiling alerto at sumubaybay lamang sa mga opisyal na anunsyo mula sa LGU Balete, DepEd, at DOST-PAGASA.
🙏 Mag-ingat at manatiling ligtas, mga Baleteño!
0 Comments