PUBLIC ADVISORY | WALANG PASOK

 

 
Ipinapaalam po sa lahat na suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Balete ngayong Martes, Agosto 18, 2026, bilang pag-iingat sa patuloy na malakas na pag-ulan at masamang lagay ng panahon.
📌 Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128 at sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), ang suspensyon ay ipinatutupad para sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, guro, at kawani.
📚 Patuloy naman ang pagkatuto sa pamamagitan ng  Modular Distance Learning (MDL), alinsunod sa DepEd Order No. 14, s. 2026 (HINAY: Ease In – Learning Continues Through Flexible Pacing).
Patuloy na mino-monitor ng Pamahalaang Bayan ng Balete ang lagay ng panahon at nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan.
🙏 Hinihikayat ang lahat na manatiling alerto, makinig sa mga opisyal na anunsyo, at unahin ang kaligtasan.
Mag-ingat po tayong lahat, mga Baleteño! 🌧️💙

Post a Comment

0 Comments