Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan at alinsunod sa Memorandum Circular No. 126, ipinababatid na SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng antas sa lahat ng PUBLIC AT PRIVATE SCHOOLS sa Bayan ng Balete ngayong:
📅 Agosto 14, 2026 (Biyernes)
⏰ Simula alas-11:00 ng umaga
Ang hakbang na ito ay isinagawa bilang pag-iingat at upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, guro, at kawani dahil sa umiiral na kondisyon ng panahon.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas, alerto, at updated sa mga susunod na abiso mula sa Municipality of Balete at iba pang kinauukulang ahensya.
🙏 Maging maingat po tayong lahat. Unahin ang kaligtasan
0 Comments