Bilang pagtalima sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at sa pag-apruba ni Hon. Mayor Wilson V. Maralit, SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Balete ngayong Biyernes, Agosto 7, 2026.
Ang suspensyon ay ipinatupad dahil sa patuloy na epekto ng Tropical Storm "Maymay" at ng Southwest Monsoon (Habagat) na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan at maaaring magdulot ng panganib sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, guro, at mga kawani ng paaralan.
π Alinsunod sa DepEd Order No. 14, s. 2026 (HINAY: Ease In – Learning Continues Through Flexible Pacing), magpapatuloy ang mga gawaing pang-edukasyon sa pamamagitan ng Asynchronous Learning o Modular Distance Learning (MDL), alinsunod sa patakaran ng bawat paaralan.
⚠️ Patuloy na mino-monitor ng Pamahalaang Bayan ng Balete ang lagay ng panahon. Hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag at sumunod lamang sa mga opisyal na anunsyo mula sa LGU Balete, DepEd, at DOST-PAGASA.
π Ang kaligtasan ng bawat BaleteΓ±o ang ating pangunahing prayoridad.
Mag-ingat at manatiling ligtas, mga BaleteΓ±o! ππ
0 Comments