📢 PUBLIC ADVISORY | WALANG PASOK AGOSTO 6, 2026 📢



Alinsunod sa Memorandum Circular No. 122 na inilabas ng Office of the President, suspendido ang pasok ngayong Huwebes, Agosto 6, 2026, dahil sa patuloy na epekto ng Tropical Storm Maymay at ng Southwest Monsoon (Habagat).

Saklaw ng suspensyon ang:

✅ Mga tanggapan ng pamahalaan

✅ Lahat ng antas ng paaralan (Pampubliko at Pribado)

📍 Lalawigan ng Batangas

Samantala, ang mga ahensyang nagbibigay ng pangunahing serbisyong pangkalusugan, pagtugon sa sakuna, at iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na paglilingkod sa publiko.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas, umiwas sa mga lugar na may panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo mula sa inyong Local Government Unit at mga kinauukulang ahensya.

Mag-ingat po tayong lahat.

Post a Comment

0 Comments