Batay sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) at sa pangunguna ni Hon. Mayor Wilson V. Maralit, SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Balete sa ika-10 ng Hulyo 2026 (Biyernes) bilang pag-iingat sa inaasahang masamang panahon na dulot ng Southwest Monsoon (Habagat) na pinalalakas ng Bagyong Inday.
Sa halip, ipatutupad ang Modular/Online Distance Learning Modality (MDL/ODL) upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Hinihikayat ang lahat na manatiling maingat, alerto, at mapagmatyag. Patuloy na umantabay sa mga opisyal na abiso ng Lokal na Pamahalaan at ng DOST-PAGASA para sa mga susunod na anunsyo.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at pang-unawa.
0 Comments