Suspendido ang Face-to-Face Classes sa Balete para sa PTA Meeting sa Child Safety at School Security


Alinsunod sa Executive Order No. 38, Series of 2026 na ipinalabas ng Tanggapan ng Punong Bayan, pansamantalang suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Balete sa Lunes, Hulyo 6, 2026, upang magbigay-daan sa pagsasagawa ng Parent-Teachers Association (PTA) Meeting on Child Safety and School Security.

Ang hakbang na ito ay isinagawa bilang tugon sa mga kamakailang insidente ng karahasan at mga banta sa seguridad ng mga paaralan na naitala sa iba't ibang lugar sa bansa. Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang ugnayan ng mga magulang, guro, at iba pang mga katuwang sa komunidad upang talakayin ang mga hakbang na makatutulong sa pagpapanatili ng isang ligtas, mapayapa, at handang kapaligiran sa pag-aaral.

Sa pamamagitan ng pagpupulong na ito, pagtitibayin ang mga polisiya at programa ukol sa Child Safety and School Security, kabilang ang pagpapalakas ng koordinasyon, paghahanda sa mga posibleng insidente, at ang aktibong pakikilahok ng bawat magulang sa pagprotekta sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at pang-unawa.

Post a Comment

0 Comments