Alinsunod po sa Executive Order No. 011 S 2026 na nilagdaan ni Kgg. Mayor Wilson Maralit, pansamantala po munang isinususpinde at kinakansela ang lahat ng aktibidad, pista, at programang pampalakasan o paliga na pinopondohan ng pamahalaan sa buong bayan, kabilang ang mga barangay, dahil sa idineklarang State of Energy Emergency ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa ilalim ng EXECUTIVE ORDER NO. 110, s. 2026.
Ang hakbang na ito ay isinasagawa upang matiyak ang sapat at maayos na paggamit ng enerhiya para sa mahahalagang serbisyo publiko.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa at sumunod sa mga alituntunin para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
0 Comments