Kaugnay ng mga kumakalat na impormasyon, nais pong linawin ng Pamahalaang Bayan ng Balete na 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐰𝐚𝐥 𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨 𝐨 𝐩𝐚𝐋𝐢𝐠𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧.
Alinsunod sa 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿 𝗡𝗼. 𝟬𝟭𝟭, 𝘀. 𝟮𝟬𝟮𝟲, ang pansamantalang sinususpinde at kinansela lamang ay ang mga aktibidad na 𝗣𝗜𝗡𝗢𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 (𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰𝗹𝘆 𝗳𝘂𝗻𝗱𝗲𝗱), kabilang ang mga liga, events, at programa na gumagamit ng pondo ng LGU at mga Barangay. Maaaring gamitin ang mga pasilidad at resources ng LGU at mga barangay, pero hindi dapat lalagpas sa alas-8 ng gabi.
𝗗𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗮𝘄:
-Ang mga paligsahan o palaro na naumpisahan bago ang petsa ng pagpirma ng Executive Order (April 13, 2026) ay maaaring ipagpatuloy, gayundin kung ito ay ginaganap sa open spaces at may minimal na paggamit ng kuryente.
-Maaaring magpatuloy ang mga pribadong inisyatiba o aktibidad na hindi gumagamit ng pondo o resources ng pamahalaan, basta’t sumusunod sa mga umiiral na alituntunin.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagtugon sa kasalukuyang State of Energy Emergency, upang matiyak ang sapat at maayos na paggamit ng enerhiya para sa mahahalagang serbisyo publiko.
Hinihikayat po ang lahat na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon at iwasan ang pagpapakalat ng maling balita.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa.
0 Comments