KABABAIHAN AT KALALAKIHAN, KABALIKAT SA PAG-UNLAD!





Ginanap noong Disyembre 18-19, 2024 sa Nasugbu, Batangas ang isang produktibong Gender and Development (GAD) Training para sa mga piling kawani ng iba't ibang departamento ng LGU Balete.

Ang mahalagang pagsasanay na ito ay pinangasiwaan ng DSWD katuwang ang ating lokal na pamahalaan upang mas mapalalim ang pag-unawa sa pagkakapantay-pantay ng kasarian sa ating serbisyo publiko.

Isang malaking karangalan din na makasama at matuto mula sa ating kagalang-galang na speaker, Dr. Nancy Lubis, na nagbahagi ng kanyang malawak na kaalaman at inspirasyon sa lahat ng dumalo.

Layunin ng programang ito na mas pagtibayin ang inklusibong pamamahala at siguruhing ang bawat programa ng LGU Balete ay tumutugon sa pangangailangan ng lahat, anuman ang kasarian.

Post a Comment

0 Comments