Sa bawat isa sa inyo, sa ating minamahal na mamamayan ng Balete, ipinaaabot ko ang aking taos-pusong pagbati ng isang Maligayang Pasko!
Nawa'y ang diwa ng Kapaskuhan ay magdala ng kapayapaan, pag-asa, at pagmamahalan sa inyong mga tahanan. Ito ang panahon ng pagbibigayan, pagpapatawad, at muling pagsasama-sama ng pamilya.
Sana ay mapuno ng saya at galak ang inyong mga puso sa pagdiriwang na ito, kasama ang inyong mga mahal sa buhay.
Mula sa akin at sa buong pamilya ng LGU Balete, maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at tiwala. Patuloy tayong magkaisa tungo sa mas maunlad at masayang Balete.
Maligayang Pasko at isang Manigong Bagong Taon sa ating lahat!"
Sumasainyo, HON. WILSON V. MARALIT Punong Bayan, Balete, Batangas
#MaligayangPasko #PaskongBalete #MayorWilsonMaralit #LGU #BaleteBatangas #MerryChristmas
0 Comments