Sa mga nagdaang araw, niyanig ng malalakas na lindol ang ilang bahagi ng bansa, habang patuloy namang nagdudulot ng pagbaha at pinsala ang mga bagyong dumaraan sa bansa. Magsilbi sanang paalala ito sa ating lahat na ang mga sakuna ay maaaring mangyari anumang oras, kaya’t mahalagang maging HANDA at LISTO sa lahat ng pagkakataon.
Ang pagkakaroon ng emergency go bag ay isang simpleng hakbang na may malaking maitutulong sa panahon ng sakuna. Tiyaking nakahanda ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng mahahalagang dokumento, pagkain, tubig, gamot, flashlight, at first aid supplies. Sa panahon ng sakuna, ang maagap na paghahanda ay susi upang mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilya.
0 Comments