Batangas West Valley Fault misconception





Nilinaw ng Office of the Civil Defense CALABARZON na hindi dinaanan ang lalawigan ng Batangas ng West Valley Fault.
Ayon kay Reyan Marquez Spokesperson ng OCD CALABARZON, ang kabilang sa 100km West Valley Fault sa rehiyon ay ang Rizal, Cavite at Laguna at hindi abot sa Batangas.
Ngunit kung sakaling gagalaw aniya ito ay maaari pa ring maramdaman ang epekto nito, ngunit hindi kasing lakas nung mga lugar na kabilang sa fault line.

Post a Comment

0 Comments