DOH: PANATILIHING MALINIS AT LIGTAS ANG EVACUATION CENTER




DOH: PANATILIHING MALINIS AT LIGTAS ANG EVACUATION CENTER

Sa kasalukuyan, pumalo na sa halos 95,000 katao ang lumikas sa mga evacuation center simula nang manalasa ang magkakasunod na bagyong Mirasol at Nando, kasama na ang Severe Tropical Storm Opong na kasalukuyang binabaybay ang Kabisayaan. 

Babala ng DOH, ang maruming kapaligiran ay maaaring magdulot ng samu’t saring sakit gaya ng leptospirosis, dengue, at pagtatae; pinaaalalahanan ang publiko na panatilihing malinis ang paligid, lalo na kung nasa evacuation center. 

👉 Para sa evacuees at mga namamahala ng evacuation centers, siguruhing sundin ang mga payong ito:

✔️ Magtapon ng basura sa tamang lalagyan

✔️ Ihiwalay ang nabubulok at di-nabubulok na basura

✔️ Gumamit ng sariling reusable na kubyertos hanggat maaari

✔️Ipagbigay-alam kung puno na ang basurahan o kaya’y ilagay ito sa tamang lugar

💡 Tandaan: Ang mahigpit na pagpapatupad ng kalinisan ay proteksyon laban sa sakit at proteksyon ng buong komunidad.

Source: DSWD DROMIC Report No. 18 (as of 6AM, 9/26/25), PAGASA Tropical Cyclone Bulletin No. 16 (as of 8AM, 9/26/25)

#DOH

#BawatBuhayMahalaga

#BagongPilipinas

#OpongPH

Post a Comment

0 Comments