🚠BAWAL MAG YOSI AT VAPE SA MGA EVACUATION CENTER ðŸš
Ayon sa pinakahuling DSWD DROMIC Report, 48,164 na tao ang lumikas sa evacuation centers bunsod ng hagupit ng Severe Tropical Storm Opong.
Ipinaalala ng Department of Health na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng sigarilyo at vape sa mga pampublikong lugar—kabilang ang paaralan at evacuation centers, ayon sa Republic Act 9211 at Executive Order No. 106.
Ang paninigarilyo sa loob ng evacuation center ay delikado para sa lahat, lalo na sa mga buntis, sanggol, at bata dahil:
🚠Maaaring makalanghap sila ng usok na nakakasama sa baga at kalusugan.
🚠Mataas ang panganib ng sunog sa masisikip na lugar.
Paalala ng DOH:
✅ Ipaalam agad sa mga awtoridad kung may makikitang nagyoyosi o nagve-vape sa loob ng evacuation center.
📞 Tumawag sa DOH Quitline 1558 kung kailangan ng tulong upang huminto sa paninigarilyo.
Source: DSWD DROMIC Report No. 18
#DOH
#BawatBuhayMahalaga
#BagongPilipinas
#OpongPH
0 Comments