𝐎𝐀𝐓𝐇 𝐓𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐍𝐄𝐖 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄𝐑𝐒 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐅𝐄𝐃𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐏𝐀𝐑𝐄𝐍𝐓-𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇𝐄𝐑 𝐀𝐒𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍




𝐎𝐀𝐓𝐇 𝐓𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐍𝐄𝐖 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄𝐑𝐒 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐅𝐄𝐃𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐏𝐀𝐑𝐄𝐍𝐓-𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇𝐄𝐑 𝐀𝐒𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍

Ngayong araw, Setyembre 01, 2025, isinagawa ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng 𝐅𝐞𝐝𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐏𝐚𝐫𝐞𝐧𝐭-𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 (𝐏𝐓𝐀) ng Bayan ng Balete sa pangunguna ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐖𝐢𝐥𝐬𝐨𝐧 𝐕. 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐥𝐢𝐭, na ginanap sa Tanggapan ng Punong Bayan.

Dumalo at nakibahagi rin sa nasabing panunumpa ang mga Punong-Guro at Head Teacher ng iba’t ibang paaralan sa ating bayan, bilang pakikiisa at suporta sa adhikain ng PTA tungo sa mas pinatibay na ugnayan ng paaralan, magulang, at pamahalaan.

Tunay ngang napakahalaga ng papel ng mga magulang at guro sa pagbibigay-gabay sa ating mga kabataan, sapagkat gaya ng sinabi ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal: “𝐀𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧.”

Mabuhay ang mga bagong opisyal ng Federation of Parent-Teacher Association! Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon at katuwang sa paghubog ng kinabukasan ng ating mga kabataan dito sa ating bayan.

#bloomingbalete

Post a Comment

0 Comments