Maligayang Pagdiriwang ng Ika-125 Taon ng Philippine Civil Service!
Ang Pamahalaang Bayan ng Balete, Batangas, sa pangunguna nina Mayor Wilson V. Maralit, Vice Mayor Alvin T. Payo, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng 125th Philippine Civil Service Anniversary.
Sa temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan,” atin pong ipinagdiriwang at pinapahalagahan ang walang sawang paglilingkod ng bawat lingkod-bayan na nagsisilbing haligi ng pamahalaan.
Mabuhay ang ating mga kawani ng gobyerno, ang siyang tunay na huwaran ng tapat, marangal, at makabuluhang serbisyo para sa mamamayang Pilipino. 🇵🇭
#PCSA125
#LingkodBayani
0 Comments