𝐏𝐋𝐀𝐓𝐄 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐑𝐙𝐎𝐍 – 𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟏𝟑–𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟓

                                                                                                     
              


 𝐏𝐋𝐀𝐓𝐄 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐂𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐑𝐙𝐎𝐍 – 𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟏𝟑–𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟓

𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙤𝙩𝙤𝙧𝙨𝙞𝙠𝙡𝙤 𝙣𝙖𝙧𝙚𝙝𝙞𝙨𝙩𝙧𝙤 𝙣𝙤𝙤𝙣𝙜:
𝟐𝟎𝟏𝟒–𝟐𝟎𝟏𝟕 – Puwede nang kunin any time ang inyong physical plate sa pinakamalapit na LTO District Office sa inyong lugar.
𝟐𝟎𝟏𝟖–𝐊𝐚𝐬𝐚𝐥𝐮𝐤𝐮𝐲𝐚𝐧 – Makipag-ugnayan sa inyong dealer para makuha ang inyong plaka.
Bilang bahagi ng OPLAN: STOP, PLATE, AND GO, sa pamumuno nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., DOTr Secretary Vince B. Dizon, LTO Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, at LTO CALABARZON Regional Director Elmer J. Decena, patuloy ang Land Transportation Office CALABARZON sa paghahatid ng mas mabilis, organisado, at abot-kayang serbisyo publiko sa pamamagitan ng Plate Distribution Caravan mula Agosto 13–17, 2025.
Layunin ng programang ito na maihatid ang mga plaka nang mas malapit sa ating mga komunidad, upang hindi na kailangan pang bumiyahe ng malayo patungo sa mga district office. Sa pamamagitan ng caravan, masisiguro ang maagap, maayos, at sistematikong pamamahagi ng mga plaka, alinsunod sa pangako ng Bagong Pilipinas na maghatid ng mahusay na serbisyo sa bawat mamamayan.
𝙈𝙜𝙖 𝙆𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙜-𝙘𝙡𝙖𝙞𝙢:
1. Photocopy ng Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR)
2. Kopya ng Deed of Sale (kung hindi pa naililipat)
3. Authorization Letter na may valid ID (kung representative ang kukuha)
Maaaring alamin kung handa na ang inyong plaka sa www.ltotracker.com
𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦, 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗟𝗔𝗞𝗔 𝗡𝗔!

Post a Comment

0 Comments