𝐏𝐋𝐀𝐓𝐄 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐋𝐄𝐓𝐄, 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒 – 𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟓
Para sa mga motorsiklo na rehistrado noong:
2014–2017 – Puwede nang kunin anumang oras ang inyong physical plate sa pinakamalapit na LTO District Office sa inyong lugar.
2018–Kasalukuyan – Makipag-ugnayan sa inyong dealer para makuha ang inyong plaka.
Bilang bahagi ng OPLAN: STOP, PLATE, AND GO, sa pamumuno nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., DOTr Secretary Vince B. Dizon, LTO Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, at LTO CALABARZON Regional Director Elmer J. Decena, patuloy ang Land Transportation Office CALABARZON sa paghahatid ng mas mabilis, organisado, at abot-kayang serbisyo publiko sa pamamagitan ng Plate Distribution Caravan.
Layunin ng programang ito na maihatid ang mga plaka nang mas malapit sa ating komunidad, upang hindi na kailangan pang bumiyahe ng malayo patungo sa mga district office. Sa pamamagitan ng caravan, masisiguro ang maagap, maayos, at sistematikong pamamahagi ng mga plaka, alinsunod sa pangako ng Bagong Pilipinas na maghatid ng mahusay na serbisyo sa bawat mamamayan.

1. Photocopy ng Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR)
2. Kopya ng Deed of Sale (kung hindi pa naililipat)
3. Authorization Letter na may valid ID (kung representative ang kukuha)
Maaaring alamin kung handa na ang inyong plaka sa www.ltotracker.com
𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦, 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗟𝗔𝗞𝗔 𝗡𝗔!
Please see comment section for other details.
0 Comments