IN PHOTOS | A Partnership for the Future of Our Youth April 7, 2025



 IN PHOTOS | A Partnership for the Future of Our Youth

April 7, 2025
Isinagawa ngayong araw ang matagumpay na Ceremonial Signing ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Balete, DILG Batangas Cluster 3, at De La Salle Lipa para sa Work Immersion Senior High School (WISH) Program.
Layunin ng programang ito na bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral sa Senior High School ng De La Salle Lipa na maranasan ang aktwal na trabaho sa loob ng isang lokal na pamahalaan—isang hakbang upang mailapat ang kanilang kaalaman, mapaunlad ang kanilang kasanayan, at mahubog ang tamang asal at propesyonalismo sa tunay na mundo ng trabaho.
Upang maipakita ang suporta sa adhikaing ito, ang makabuluhang okasyon ay pinanganuhan ng ating butihing Mayor Wilson V. Maralit kasama sina Human Resource Management Officer Mr. Elmer D. Balba, DILG Batangas Cluster 3 Head Ms. Juel Fatima M. Dijan - Trinidad, DILG - MLGOO Ms. Gloria Paz O. Toledo, De La Salle Lipa representatives Assistant Integrated School Principal Dr. Minerva J. Fanoja at Subject Area Chairperson for Research and CAPSTONE, Ms. Celeste Quinto.
Tunay nga, ang paghubog sa kabataan ay paghubog sa kinabukasan.

Post a Comment

0 Comments