Ang Lokal na Pamahalaan ng Balete, Batangas ay buong pusong nakikiisa sa paggunita ng Ika-83 Araw ng Kagitingan ngayong Abril 9, 2025, at sa pagdiriwang ng Philippine Veterans Week 2025 na may temang:
“Kabayanihan ng Beterano: Sandigan ng Kaunlaran ng Bagong Pilipinas.”
Ang Araw ng Kagitingan ay paalala ng kabayanihan ng ating mga ninuno gayundin ang sakripisyo ng ating mga sundalo at beterano na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating Inang Bayan. Sa araw na ito, muli nating itinatampok ang kanilang katapangan, dangal, at hindi matatawarang pagmamahal sa bayan.
Bilang pagkilala at pagpupugay, nawa’y maging inspirasyon sa bawat isa sa atin ang kanilang naging ambag sa kasaysayan upang tayo’y magpatuloy sa pagkakaisa at pagtutulungan para sa isang Bagong Pilipinas.

0 Comments