BATELEC II NAGPAPAALALA: IWASANG MAGPALIPAD NG SARANGGOLA MALAPIT SA LINYA NG KURYENTE! ⚠️🎏

 


🎏⚠️ BATELEC II NAGPAPAALALA: IWASANG MAGPALIPAD NG SARANGGOLA MALAPIT SA LINYA NG KURYENTE! ⚠️🎏
Ngayong tag-init, maraming kabataan at pamilya ang naeengganyo sa pagpapalipad ng saranggola bilang libangan.
Ngunit paalala mula sa BATANGAS II ELECTRIC COOPERATIVE, INC. (BATELEC II) ang aktibidad na ito ay may kaakibat na panganib lalo na kung ito'y ginagawa malapit sa mga linya ng kuryente.
🚫 Bakit ito delikado?
✅ Maaaring makasabit ang saranggola sa mga linya ng kuryente.
✅ Posibleng magdulot ng power interruption sa inyong lugar.
✅ Kung gawa sa metal ang saranggola o ang sinulid nito, maaari itong magdulot ng electrocution o pagkakuryente.
✅ May panganib sa buhay at ari-arian ng mga taong malapit sa insidente.
📜 Alinsunod sa Batas
🔍 Alalahanin na sa ilalim ng RA 11361 o Anti-Obstruction of Power Lines Act,
Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang aktibidad na maaaring makaapekto o makasira sa mga pasilidad ng kuryente kabilang ang pagpapalipad ng saranggola.
✅ Paalala ng BATELEC II
🔌 Iwasan ang pagpapalipad ng saranggola malapit sa power lines.
🔌 Huwag gumamit ng metal o aluminyo na sinulid o bahagi sa saranggola.
🔌 Siguraduhing malayo sa poste at kawad ng kuryente ang lugar ng paglalaro.
🔊 Tandaan: Ang kaligtasan ay hindi laro.
Makipagtulungan tayo upang mapanatili ang ligtas at tuloy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa ating mga tahanan.
📢 Isang paalala mula sa inyong BATELEC II – Kaagapay sa ligtas na pamayanan.

Post a Comment

0 Comments