Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat), suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng Balete, Batangas, ngayong Huwebes, Setyembre 10, 2026.
📚 Pinapayuhan ang lahat na ipagpatuloy ang modular o online distance learning upang hindi maputol ang pagkatuto.
🙏 Hinihiling sa mga mag-aaral, magulang, guro, at school personnel na manatiling ligtas at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng LGU Balete.
Mag-ingat po ang lahat! 🌧️💙
0 Comments