Sa patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Bayan ng Balete na maibalik ang normal na daloy ng mga serbisyo at aktibidad sa ating komunidad, aming ipinababatid sa lahat ng ating kababayan na ang 𝗞𝗮𝘂𝘁𝘂𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗴𝗮𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗕𝗹𝗴. 𝟬𝟭𝟭, 𝗦. 𝟮𝟬𝟮𝟲, na nagtatakda ng pagsuspinde at pagkansela ng lahat ng publicly funded activities, events, festivals, at sports programs dahil sa idineklarang State of Energy Emergency, ay 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗼 𝗡𝗜𝗟𝗜-𝗟𝗜𝗙𝗧 na po sa kasalukuyan.
Ito ay bunsod ng patuloy na pagbuti at pag-stabilize ng suplay ng enerhiya sa ating bansa at sa ating lokal na pamayanan, na nagbibigay-daan upang muling maipagpatuloy ang mga mahahalagang gawaing pangkomunidad, pampalakasan, at kultural na makatutulong sa pagpapalakas ng pagkakaisa at pag-unlad ng ating bayan.
Gayunpaman, hinihikayat pa rin ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan, mga barangay, at mga organisasyon na ipagpatuloy ang responsableng paggamit ng enerhiya at patuloy na pagsunod sa mga umiiral na patakaran ukol sa pagtitipid at maingat na pagkonsumo ng kuryente.
Ang Pamahalaang Bayan ng Balete ay patuloy na naninindigan sa layunin nitong itaguyod ang kapakanan ng mamamayan, habang pinananatili ang balanseng pamamahala at responsableng paggamit ng ating likas na yaman.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na kooperasyon at suporta.
0 Comments