2nd Quarterly Meeting ng Balete Women’s Association ng LGU

 


📢 Isinagawa ngayong araw ang 2nd Quarterly Meeting ng Balete Women’s Association ng LGU, na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang barangay sa pangunguna ng aking butihing may bahay na presidente ng Balete Women's Association, ang inyong Mayora Lally C. Maralit.

Bilang bahagi ng pagpupulong, matagumpay na isinagawa ang awarding ceremony para sa mga barangay na nanguna sa pangongolekta ng mga recyclable na bote—isang hakbang na naglalayong palakasin ang kamalayan at partisipasyon ng komunidad sa pangangalaga sa kapaligiran. ♻️

🏆 Per Kilo Category
🥇 Unang Gantimpala – Looc
🥈 Ikalawang Gantimpala – Calawit
🥉 Ikatlong Gantimpala – Sampalocan
🏆 Per Piece Category
🥇 Unang Gantimpala – Sampalocan
🥈 Ikalawang Gantimpala – Malabanan at Looc

Ang aktibidad na ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng bawat barangay upang maisulong ang mga programang pangkalikasan at mapanatili ang kalinisan ng ating komunidad.

👏 Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at nag-ambag sa tagumpay ng gawaing ito. Nawa’y magpatuloy ang ating sama-samang pagkilos para sa mas malinis, maayos, at ligtas na kapaligiran para sa lahat.

#BaleteWomensAssociation #SolidWasteManagement #KalikasangAalagaan #Bayanihan


Post a Comment

0 Comments