Executive Order No. 041 Series of 2025






Alinsunod po sa ulat ng PAGASA (Weather Advisory No. 5) kaugnay ng Tropical Cyclone “UWAN”, na inaasahang magdudulot ng malakas na pag-ulan sa CALABARZON, kabilang ang lalawigan ng Batangas, suspendido po  muna ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan, sa ating bayan ngayong darating na Lunes, Nobyembre 10, 2025.
Ang mga paaralan ay inaabisuhan po munang magsagawa ng Modular Distance Learning (MDL) o Alternative Learning Modalities para hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.
 Suspendido rin po muna ang trabaho sa mga tanggapan ng ating lokal na pamahalaan, maliban sa mga ahensyang nagbibigay ng mahahalagang serbisyo tulad ng Health, Peace and Order, MDRRMO, Social Welfare, at Engineering (para sa clearing).
Ang kaligtasan po ng bawat Baleteño ang aming pangunahing layunin. Maging alerto at patuloy na mag-monitor sa mga opisyal na anunsyo.

Post a Comment

0 Comments