𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐆 𝐀𝐓 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐀𝐒






Sa pamamagitan ng Resolution No. 10-2025 na ipinasa sa ginanap na Pre Disaster Risk Assessment Meeting noong Oktubre 14, 2025 ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), napagkasunduan na magsagawa ng Province-wide Simultaneous Earthquake Drill sa lahat ng bayan at lungsod ng Lalawigan ng Batangas sa Oktubre 22, 2025, Miyerkules, 9AM. 

Magkatuwang itong isasagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Vilma Santos-Recto,  DILG - Batangas at PHIVOLCS. Panawagan ni Gov. Vi na makiisa ang lahat sa buong lalawigan sa paghahandang ito.

Post a Comment

0 Comments