Bilang pag-iingat sa banta ng masamang panahon dulot ng Severe Tropical Storm “Paolo” (MATMO), suspindido na po ang lahat ng face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado, simula 12:00 PM ngayong araw, Oktubre 3, 2025 sa Bayan ng Balete.
Ang lahat ng paaralan ay inaabisuhan na gumamit ng Modular Distance Learning (MDL) upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-aaral ng mga kabataan.
Ang inyong kaligtasan ang aming pangunahing layunin. Manatiling ligtas at patuloy po tayong mag-monitor ng mga opisyal na abiso mula sa LGU Balete at sa DOST-PAGASA.
0 Comments