EXECUTIVE ORDER NO. 026, S. 2025

 EXECUTIVE ORDER NO. 026, S. 2025

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 102 mula sa Office of the President at batay na rin sa rekomendasyon ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) CALABARZON at ulat ng PAGASA hinggil sa patuloy na epekto ng Severe Tropical Storm “Opong” (Bualoi), ang lahat ng trabaho sa mga opisina ng Pamahalaang Bayan ng Balete, Batangas ay suspendido po ngayong araw, Setyembre 26, 2025 (Biyernes).

Gayunpaman, nais pong ipabatid na ang mga tanggapan na nagsasagawa ng basic, vital, at essential services tulad ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM), Engineering (para sa clearing operations), Social Welfare and Development, Health Services, Peace and Order, at iba pang frontline services ay patuloy na mag-ooperate ng kanilang workforce upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa ating mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ang inyong kaligtasan ang pangunahing prayoridad ng ating Pamahalaang Bayan. Muli po naming hinihiling ang inyong pakikiisa, pag-iingat, at pagsunod sa mga paalala upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat pamilyang Baleteño.

Maraming salamat po at mag-ingat tayong lahat.

Post a Comment

0 Comments