Alinsunod sa inilabas po nating Executive Order No. 023, S. 2025, suspindido po munang muli ang lahat ng face-to-face classes sa lahat ng antas, parehong pampubliko at pribado, sa Setyembre 23, 2025 (Martes).
Upang matiyak ang tuloy-tuloy na pag-aaral ng ating mga mag-aaral, ipatutupad pong muli ang Modular Distance Learning (MDL).
Ito ay bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng Super Typhoon “NANDO” at ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat) sa ating bayan.
Pinapayuhan ang lahat ng Baleteño na mag-ingat, maging alerto, at patuloy na mag-monitor ng mga opisyal na abiso mula sa PAGASA, MDRRMO, at Pamahalaang Bayan ng Balete.
0 Comments