𝗕𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆 𝗦𝗲𝗶𝘇𝘂𝗿𝗲: 𝗞𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗜𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻𝗱𝗮𝘁𝗮!




𝗕𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆 𝗦𝗲𝗶𝘇𝘂𝗿𝗲: 𝗞𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗜𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻𝗱𝗮𝘁𝗮!

Ang epilepsy ay isang kondisyon sa utak na nagdudulot ng paulit-ulit na seizures. Kung makakita ka ng isang taong nagse-seizure, ito ang mga dapat gawin:

> Ilayo siya sa mga bagay na maaaring makasakit sa kanya.

> Suportahan at lagyan ng malambot na sapin ang ilalim ng kanyang ulo.

> Pagkatapos ng pangingisay, itagilid siya para makahinga nang maayos.

> Tandaan kung gaano katagal ang seizure.

Kung ang seizure ay tumagal ng higit sa 5 minuto, dalhin agad siya sa ospital!

Para sa tulong, magtungo sa pinakamalapit na health center.

Ipagkalat ang tamang impormasyon, hindi takot. Ang iyong kaalaman ay makakatulong na puksain ang stigma at magligtas ng buhay. 

#NationalEpilepsyAwarenessWeek #Epilepsy #DOHWVCHD #DepartmentOfHealth #EightPointActionAgenda #BawatBuhayMahalaga #OneDOH #Health

Post a Comment

0 Comments