#MatatagAtLigtasNaBatangas: Upang mas maitaguyod pa ang mas ligtas na mga komunidad sa buong Lalawigan ng Batangas, maglulunsad ang mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng isang proyekto na tatawaging Project CORE o Conversations on Resiliency and Empowerment, na inaasahang magbibigay-kabatiran sa publiko pagdating sa usapin ng DRRM.
Kaugnay nito, nagtungo ang ilang mga kinatawan ng PDRRMO sa mga Bayan ng #Balete at #Laurel para sa pagsisimula ng kanilang preparasyon sa pagbuo ng proyekto. Layunin ng Project CORE na palakasin ang tinig ng mga lokal na mamamayan at itampok ang mga totoong kwento mula sa mga komunidad sa lalawigan, na sumasalamin sa karanasan ng kaligtasan, pagbangon, at kahandaan ng publiko at mga frontliner.
Ang serye ng mga mabubuong presentasyon o video ay ipo-post sa official Facebook page ng Batangas Provincial DRRMO bilang bahagi ng kanilang Information, Education, and Communication (IEC) initiatives.
#VigilantSafeResilient
#MatatagNaBatangas
#TalinoAtPuso
#GoVi
0 Comments