Pagpupugay sa Ating mga Bayani!
Sa pagdiriwang ng National Heroes Day 2025, kinikilala at pinararangalan ng Pamahalaang Bayan ng Balete, Batangas ang lahat ng mga tunay na bayani ng ating panahon. Hindi lamang ang mga nakasulat sa kasaysayan, kundi maging ang mga nasa ating paligid gaya ng mga magsasaka at mangingisda na patuloy na nagbibigay-buhay sa ating hapag, ang mga kalalakihan at kababaihan sa uniporme na nagsisilbing tagapagbantay at tagapagtanggol, ang ating mga guro, kawani ng pamahalaan, mga nars at doktor, gayundin ang mga rescuer at volunteer na laging handang maglingkod sa oras ng pangangailangan.
Ang diwa ng kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa labanang inilaban ng ating mga ninuno, kundi sa araw-araw na paglilingkod at sakripisyong ginagawa ng bawat Pilipino para sa kapwa at para sa bayan. Sama-sama nating ipagpatuloy ang kanilang pamana ng katapangan, malasakit, at pagmamahal sa ating Inang Bayan.
Mabuhay ang ating mga bayani ng kahapon, ngayon, at bukas!
#BloomingBalete #NationalHeroesDay
0 Comments