BARANGAY MAKINA COVERED COURT
Agosto 11, 2025
Ngayong araw ay isinagawa ang pamamahagi ng financial assistance para sa tinatayang 343 benepisyadong mangingisda mula sa Bayan ng Balete na naapektuhan ang kabuhayan dulot ng isyu ng Missing Sabungero na pinaniniwalaang inilibing sa Taal Lake.
Si Mayora Lally Maralit ang nagsilbing kinatawan ni Mayor Wilson V. Maralit na taos-pusong nagpapasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan, lalo na kay Gov. Vilma Santos-Recto at kay Finance Secretary Ralph G. Recto, para sa patuloy na malasakit sa mga Baleteño.
Dumalo rin sa aktibidad na ito ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga Punong Barangay ng Balete upang ipakita ang kanilang suporta sa mga mangingisda ng ating bayan.
Muli po, ang Lokal na Pamahalaan ng Balete ay taos-pusong nagpapasalamat sa walang sawang pagtulong at pagkalinga sa ating mga kababayan!

0 Comments