Paalala po para sa lahat:
Ang post na kumakalat mula sa page na "Philippines Weather Advisory" ay HINDI lehitimong anunsyo. Wala pong awtoridad ang nasabing page na magdeklara ng pagkansela ng trabaho sa gobyerno at klase sa mga paaralan.
Amin na rin pong nai-report ang naturang page sa Meta, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon. Dagdag pa rito, ang link na nakapaloob sa kanilang post ay nagre-redirect lamang sa isang online shop application kaya ito ay mapanganib at huwag na huwag pong i-click.
Para sa mga opisyal na anunsyo ukol sa kanselasyon ng pasok at trabaho, mag-aabang at makipag-ugnayan lamang sa mga lehitimong sources gaya ng:
Office of the President
Office of the Executive Secretary
Department of Education (DepEd)
Commission on Higher Education (CHED)
Department of Interior and Local Government (DILG)
National Disaster Risk Reduction and Management Council
LGU Balete Batangas (Facebook account/page)
Maging mapanuri po tayo sa mga impormasyon na nakikita natin online. Ugaliin pong i-verify ang pinagmulan bago mag-share.
#LigtasAngMayAlam #BloomingBalete
0 Comments