PUBLIC ADVISORY



 PUBLIC ADVISORY

Bilang tugon sa masamang panahon dulot ng Bagyong Emong at pinalakas na Habagat, ipinag-utos ni Mayor Wilson V. Maralit ang suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Hulyo 25, 2025.
Ang mga paaralan ay pinapayuhang gumamit ng Alternative Delivery Mode (ADM) bilang alternatibong paraan ng pag-aaral.
Gayundin, suspendido rin ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaang bayan, maliban sa mga frontliner offices na direktang tumutugon sa mga emergency.
Ang kautusang ito ay alinsunod sa pinakahuling Weather Advisory ng PAGASA at sa panawagan ng DILG na unahin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Inaabisuhan naman ang lahat na manatiling alerto, sumubaybay sa opisyal na anunsyo ng LGU, at umiwas sa mga delikadong lugar.

Post a Comment

0 Comments