𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗚𝗔𝗪𝗜𝗡 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢 𝗢 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡

 


𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗚𝗔𝗪𝗜𝗡 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢 𝗢 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗚𝗜𝗟 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡

𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘭𝘪𝘨𝘵𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘓𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘉𝘢𝘭𝘦𝘵𝘦ñ𝘰
1. 𝗠𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶 𝘀𝗮 𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝘆. Iwasan ang paglabas kung hindi kailangan. Mas ligtas sa loob lalo na kung may pagbaha o malakas na hangin.
2. 𝗦𝘂𝗯𝗮𝘆𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮. Manuod sa telebisyon o cellphone, makinig sa radyo o i-follow ang official pages ng LGU Balete, PAGASA, at NDRRMC para sa latest updates.
3. 𝗜𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗴𝗼 𝗯𝗮𝗴. Ilagay dito ang mga sumusunod:
✅ Flashlight at extra batteries;
✅ Power bank at cellphone;
✅ Tubig at ready-to-eat food;
✅ First aid kit at gamot; at
✅ Importanteng dokumento tulad ng:
- Birth certificate
- Valid IDs
- Land/property titles
- School Records
- Health records
- Vaccination cards
4. 𝗜-𝘂𝗻𝗽𝗹𝘂𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗲𝗹𝗲𝗰𝘁𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝗽𝗽𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲𝘀. Iwasan ang sakuna sa kuryente lalo na kung may pagbaha o power outage.
5. 𝗜𝘀𝗮𝗿𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗶𝗻𝘁𝗮𝗻𝗮, 𝗽𝗶𝗻𝘁𝗼, 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮𝘆𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗯𝗼𝗻𝗴. Siguraduhing ligtas ang inyong bahay mula sa malakas na hangin at ulan.
6. 𝗜𝗹𝗶𝗽𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗴𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗹𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝘆𝗼𝗽. Protektahan ang mahahalagang kagamitan at mga alagang hayop laban sa pagtaas ng tubig.
7. 𝗠𝗮𝗴-𝗶𝗻𝗴𝗮𝘁 𝗮𝘁 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝘁𝘂𝗺𝗮𝘄𝗶𝗱 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗵𝗮. Maaaring may malalim na bahagi, bukas na kanal, o live wire.
8. 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗹𝗲𝗿𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗱𝘀𝗹𝗶𝗱𝗲-𝗽𝗿𝗼𝗻𝗲 𝗮𝗿𝗲𝗮𝘀, 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗯𝗶𝗴, 𝗮𝘁 𝗜𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗲𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗵𝗼𝘁𝗹𝗶𝗻𝗲𝘀. Kung nakatira sa tabing bundok, gilid ng bangin o tabing ilog at lawa, makinig sa abiso ng Barangay at MDRRMO at Itabi ang contact numbers ng:
✅ Barangay
✅ MDRRMO
✅ Health Center
Maging 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔. Maging 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧𝗢. Maging 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦.
Paalala mula sa MDRRMO at Lokal na Pamahalaan ng Balete, Batangas.

Post a Comment

0 Comments