Opisyal na Panimula ng Panibagong Panunungkulan




 Opisyal na Panimula ng Panibagong Panunungkulan

Isang makasaysayang araw para sa Bayan ng Balete ang naganap kahapon! Ako po, si Mayor Wilson V. Maralit, ay buong pagpapakumbabang muling nanumpa sa tungkulin bilang Punong Bayan ng Balete, Batangas, kasama si Vice Mayor Alvin T. Payo, at ang mga reelected at bagong halal na miyembro ng Sangguniang Bayan, sa harap ni Senador JV Ejercito.
Ang aming panunumpa ay isang pagpapatibay ng aming hangaring ipagpatuloy at palawigin pa ang tapat, makatao, at makabayang paglilingkod sa bawat Baleteño.
Lubos ang aming pasasalamat kay Senador JV Ejercito sa mainit na pagtanggap at suporta, gayundin sa aming mga pamilya at sa bawat mamamayan ng Balete na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa aming pamumuno.
Panibagong yugto, panibagong pag-asa, at mas pinaigting na pagkakaisa para sa mas maunlad at mas mapayapang Balete!
Muli, maraming salamat po sa tiwala at suporta.

Post a Comment

0 Comments