

Tema: “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan”
Hunyo 12, 2025
Sa kabila ng makulimlim at maulang umaga, matagumpay na naisagawa ang flag raising ceremony bilang bahagi ng paggunita sa ika-127 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.
Pinangunahan ito ng ating butihing Mayor Wilson V. Maralit ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kasama ang mga Department Heads at Designates, mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, at mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensiya — Bureau of Fire Protection - Balete, Balete Municipal Police Station, at Philippine Coast Guard - Balete Substation.
Isang makabayang selebrasyon ng ating kasarinlan — alay sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating tinatamasang kalayaan ngayon.
Mabuhay ang Kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas!
0 Comments