05/29/2025 🕊️ BALETE, BATANGAS — SIPS MUNICIPALITY NA! 🕊️

 



05/29/2025

🕊️ BALETE, BATANGAS — SIPS MUNICIPALITY NA! 🕊️
Isang malaking karangalan para sa Bayan ng Balete na tanggapin ang Certificate of Conferment bilang Stable Internal Peace and Security (SIPS) Municipality kasama ang isang wooden plaque (SIPS Seal) na sumasagisag sa matatag at mapayapang kalagayan ng ating bayan.
Ang sertipiko at plakeng ito ay iginawad sa tanggapan ng ating Punong Bayan, Mayor Wilson Maralit ng kinatawan ni: Governor Hermilando I. Mandanas, Chairman ng PPOC/PTF-ELCAC at LTC Jonel G. Martinez, Battalion Commander ng 59th Infantry Battalion.
Sa pamamagitan ni 2LT Macario, matagumpay na naiparating ang pagkilala sa pagsusumikap ng Lokal na Pamahalaan at ng mga mamamayan sa pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa ating bayan.
Ito ay bunga ng pagkakaisa ng pamahalaan, mga kawani, law enforcement agencies, at ng masigasig na suporta ng bawat Baleteño.
Mabuhay ang Bayan ng Balete! Mabuhay ang Kapayapaan!

Post a Comment

0 Comments