𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚

 


𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧, 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐁𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚

💚
Narito ang mga bakuna na ibinibigay at iskedyul kung kailan dapat napababakunahan ang inyong mga anak.
Pagkapanganak:
✅ BCG vaccine at Hepatitis B vaccine
Pagtungtong ng 1 ½ months ni baby:
✅ Unang dosis ng Pentavalent vaccine, Oral Polio Vaccine, at Pneumococcal Conjugate vaccine
Pagtungtong ng 2 ½ months ni baby:
✅ Ikalawang dosis ng Pentavalent vaccine, Oral Polio Vaccine, at Pneumococcal Conjugate vaccine
Pagtungtong ng 3 ½ months ni baby:
✅ Ikatlong dosis ng Pentavalent vaccine, Oral Polio Vaccine, Pneumococcal Conjugate vaccine at unang dosis ng Inactivated Polio vaccine
Pagtungtong ng 9 months ni baby:
✅ Ikalawang dosis ng Inactivated Polio vaccine at unang dosis ng Measles, Mumps, Rubella vaccine
Unang taon ni baby:
✅ Ikalawang dosis ng Measles, Mumps, Rubella vaccine.
Ang lahat ng mga bakunang ito ay ibinigay sa mga health center. Ito ay ligtas at epektibo. Kung sakaling may nakaligtaan na iskedyul si baby, makipag-ugnayan agad sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.
MAGPABAKUNA dahil bawat buhay mahalaga! 💚

Post a Comment

0 Comments