Magandang araw po!
Ipinagbibigay alam po ng aming tanggapan na hindi po muna matutuloy ngayong taon ang BINIBINING BALETE sa kadahilanang kasalukuyang ginagawa ang ating Balete Municipal Covered Court kung saan idinaraos ang nasabing event. Dagdag pa rito, nagsagawa ng pagpupulong ang mga Punong Barangay hinggil dito, base sa napag-usapan, kulang ang mga kandidatang lalahok na magre-representa sa bawat barangay.
Ang venue kung saan gaganapin ang programa ay kasalukuyang pinag-uusapan, at iaanunsyo na lamang sa mga susunod na araw.
Kami po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa anumang abala na dulot nito at nagpapasalamat sa inyong malawak na pang-unawa at suporta.
0 Comments