PHIVOLCS NAGBABALA SA PAGTAAS NG SEISMIC ENERGY NG TAAL VOLCANO

Simula noong Enero 4, 2025 ay nakapagtala ng pagtaas sa real-time na seismic energy measurement o RSAM ang Taal Volcano.
Nasa 12 volcanic earthquakes kabilang ang 6 na kaganapan ng pagyanig ang naitala ng Taal Volcano Network mula noong Enero 1, 2025.

Naitala rin ng Phivolcs ang kawalan ng degassing plume mula sa Main Crater ng Bulkang Taal, kasabay ng pagtaas ng RSAM nito.

Huling naitala ang sulfur dioxide emission nito noong Disyembre 30, 2024 na umabot sa 2,753 tonelada/araw.

Ang pagtaas ng RSAM at ang kawalan ng nakikitang degassing mula sa Main Crater ay maaaring magpahiwatig ng pagbara o plugging ng mga daanan ng volcanic gas sa loob ng bulkan, na maaaring humantong sa panandaliang pressure at mag-trigger ng phreatic o minor phreatomagmatic eruption.
Nananatili namang nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal at patuloy na binabantayan ng Phivolcs ang aktibidad nito.
0 Comments