JANUARY 22, 2025
Kahapon ay matagumpay na natanggap ng 150 na mga magulang ng ating mga Senior Highschool students ang kanilang suporta (Tulong Eskwela para sa mga Bata Program) sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program sa Lungsod ng Tanauan. Layunin ng programang ito na makatulong sa mga kabataan para sa kanilang edukasyon.
Ay Lokal na Pamahalaan ng Balete sa pangunguna ni Mayor Wilson Maralit, Vice Mayor Alvin Payo at mga miyembro ng Sangguniang Bayan Ng Balete ay taus-pusong nagpapasalamat kina Congresswoman Ma. Theresa "Maitet" V. Collantes, sa kanyang anak na si Atty. King Collantes, at sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa inyong tulong at walang sawang suporta sa bayan ng Balete lalong-lalo na sa mga kabataang Baleteño.


0 Comments