Isang Makasaysayang Araw para sa Balete!





 Isang Makasaysayang Araw para sa Balete!

Ipinagmamalaki ng Pamahalaang Bayan ng Balete, Batangas ang matagumpay na Inauguration at Blessing ng Bagong ABC Building na matatagpuan sa New Town Center, Barangay Makina, Balete, Batangas.
Pinangunahan ito ng ating masipag na Mayor Wilson Maralit, kasama si Vice Mayor Alvin Payo, mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, Congw. Marissa "Del Mar" Magsino ng OFW Partylist na siyang nagtaguyod ng proyektong ito, Ina ng Ikatlong Distrito Congw. Ma Theresa "Maitet" V. Collantes, DILG-MLGOO Gloria Paz Toledo, ABC President Macario Suarez, mga Kapitan ng Barangay sa Bayan ng Balete, at mga kawani ng LGU.
Ang bagong gusaling ito ay simbolo ng sama-samang pagsusumikap para sa mas maayos na serbisyo at mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat Baleteño. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pag-unlad ng ating bayan!
Muli, ang Lokal na Pamahalaan ng Balete ay taus-pusong nagpapasalamat sa OFW Party List sa napakagandang proyekto sa Bayan.

Post a Comment

0 Comments