ALAMIN ang pagkakaiba ng MAGNITUDE vs INTENSITY:
Ang MAGNITUDE ay sukat ng enerhiya ng lindol mula sa focus. Ito ay kinakalkula mula sa mga lindol na naitala ng instrumentong tinatawag na seismograph.
Ang INTENSITY ay lakas ng lindol na nararamdaman at nakikita ng mga tao sa isang lugar. Ito ay batay sa magkakaugnay na epekto sa mga tao, mga bagay, kapaligiran, at mga estruktura sa paligid. Ang intensity ay kadalasang higit na mataas malapit sa epicenter.
0 Comments