Nobyembre 19, 2024
School Based Immunization o Bakuna Eskwela
Nagsagawa ng Bakuna Eskwela ang Balete Rhu sa Emilia L. Malabanan Integrated School (ELMIS). Ito ay programa ng Kagawaran ng Kalusugan sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Edukasyon, na layuning protektahan ang mga kabataan laban sa mga sakit na maaaring iwasan sa pamamagitan ng bakuna tulad ng Measles, Rubella (MR), at Tetanus, Diphtheria (Td) para sa mga estudyanteng Grade 1 at 7. At Human Papilloma Virus (HPV) para sa mga estudyanteng babae na Grade 4 lamang.
Ligtas, epektibo, at libre ang mga bakunang ito.
0 Comments