Inilatag na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang detalye ng isasagawang Rehabilitation and Recovery Program...





 Inilatag na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang detalye ng isasagawang Rehabilitation and Recovery Program ng mga ahensyang naatasan na muling ibangon at ibalik ang sigla ng mga pamayanan na naapektuhan ng Severe Tropical Storm (STS) Kristine na tumama sa lalawigan noong Oktubre 2024.

Iprinisinta ng mga bumubuo ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang Rehabilitation Program and Recovery Project ng probinsya, na kinabibilangan ng Programs, Projects, and Activities o PPAs na nakalatag sa mga key sector na lubos na naapektuhan ng kalamidad.
Ang isinagawang PDRRMC meeting, na pinamunuan ni Provincial Administrator Wilfredo Racelis at PDRRM Office chief, Dr. Amor Calayan, ay ginanap sa Dalubhasaan Building, Brgy. Bolbok, Batangas City ngayong araw, ika-18 ng Nobyembre 2024

Post a Comment

0 Comments