𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Ang Coast Guard District Chaplain Service ng Southern Tagalog ay nagsagawa ng Banal na Misa bilang pakikiramay at suporta sa pamilya ni Ginoong Edwin Mendoza, isang rescuer mula sa MDRRMO ng Balete, at sa mga 13 residente ng lugar ngayong ika-9 ng Nobyembre 2024 sa Sitio Siatin, Barangay San Sebastian, Balete, Batangas,
Si G. Mendoza, na kilala sa kanyang kabayanihan sa pagliligtas ng mga nasalanta ng Bagyong Kristine, ay nawalan ng tahanan, mga ari-arian, at mahal sa buhay dahil sa matinding pinsalang dulot ng bagyo habang patuloy na ginagampanan ang kanyang tungkulin.
Ang misa ay isinagawa upang magbigay inspirasyon at patatagin ang pananampalataya ng mga residenteng dumaranas ng matinding pagsubok.
0 Comments