21st National Attention Deficit/Hyperactivity Disorder (AD/HD) Awareness Week mula Oktubre 14-20, 2024.



 Nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Balete, Batangas sa pangunguna ng ating buting Mayor Wilson V. Maralit sa pagdiriwang ng 21st National Attention Deficit/Hyperactivity Disorder (AD/HD) Awareness Week mula Oktubre 14-20, 2024.

Ito'y alinsunod sa Proclamation No. 472 (2003) kung saan tuwing ikatlong linggo ng Oktubre ay ginugunita ito, at ngayong taon ay may temang "The Multiverse of ADHD: Embracing Strengths, Exploring Possibilities."
Ang ADHD ay isa sa mga pinakakaraniwang neurodevelopmental disorder ng pagkabata at kadalasang tumatagal hanggang sa pagtanda. Ang mga bata o taong may AD/HD ay maaaring magkaroon ng problema sa pagbibigay pansin, pagkontrol sa mga mapusok na pag-uugali o kung hindi man ay kumilos ng hindi iniisip kung ano ang magiging resulta at kadalasan din sila'y sobrang aktibo.
Nawa'y ating bigyan ng malalim na pag-una ang bawat indibidwal na diagnose sa nasabing mental na sakit.

Post a Comment

0 Comments